4.23.2008

HELLO ANAK!

si inay. mgaaaa..... hmmmmm..... 580 times ng tumatawag sakin! ngayong araw lang na to. wahahaha! :) hindi siya nagaalala sakin. hahaha!

ito pa. may usapan kaming ganito...

ako: namimiss mo na ba ko?

inay: abay syempre naman!

ako: ako di kita namimiss eh.....

inay: abay bastos kang bata ka ah!

ako: WAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! :)


ang kyut talaga ni mama. pareho sila ni itay. si itay naman nung isang araw, gusto ata akong pagtripan kasi nga ako muna nagbabantay dito sa hotel, ito yung ginawa niya.

RING! RING!

ako: Boracay Breeze Resort Good Morning! how may I help you? (asensado! umeenglish!)

si itay nagpapanggap na guest, WAHAHAHA! ASA KA ITAY!!!!

itay: hmmmmm.... is there any.... hmmmm.... any......

ako: yes?


di alam yung sasabihin.... hindi prepared.... wahahahahaha!

itay: HELLO ANAK!

WAHAHAHAHAHA! naubusan siya ng english!!!! hahahahaha!

ako: sabi ko na ikaw yan eh! di ka marunong mag ENGLISH! hahahaha!

wahahaha! ang cute! i love my parents talaga! the best.... hay... i miss you guys.....



4.21.2008

ayos! manager ako! WAHAHAHA!

ok ok. so ito nga. andito ako ngayon sa BORACAY. awoooo! sosyal! haha! katamad na kaya dito. puro lalakeng malalaki ang katawan ang nakikita ko. hmmmm. yun lang ang shushoho ng muka nila. mukang singing bee. BWAHAHAHA! wag ka ngang mapanlait! hmmmmm.


pakiramdam ko 300 years na ko dito. UTANG NA LOOB! GUSTO KO NG MOA! haaaaay. wala nga akong magawa dito eh. pag balik ko siguro ng bulacan 210 pounds na ko. ayos yun. sexing sexy!
hahaha! kwento ko yung unang dating ko dito sa hotel, BWAHAHAHHAA!.

ako: alipin! halika dito!


alipin: bakit po kamahalan?


ako: halikan mo ang paa ko!

JOKE! hahaha! hindi ganyan. natawa nga ako sa mga reaksyon nila nung dumating ako. at kasama o pala yung kabit ko. si pobisina vito cruz. bwahahaha! hi pebi!!! ok ok.

nang didi: haaaaay! nako! andiyaaaan na pala kayo?? bakit kayo naglakaad?! nakoooo! hakin na yang bag moo!

(di halatang nag panic siya noh? ang sayang tignan! wahahaha!)

mga staff: HI MAM! HOW ARE YOU?! (lahat nakatayo. yes! synchronize! parang kakanta! wahaha!)


ako: hellooooo! hi! hellooooo! hi! (ang ganda ko eh! wahahaha! artista. sorry! haha!)

tapos pag lalapit ako sa kanila. biglang tatayo silang lahat. tapos sinusundan ako kung san man ako pumunta. hangkulit! haha! ganun pala pakiramdam ng BOSS. NAKS! ANG YABANG MO ULUL! haha! :) i love my self talaga! haha!

wala lang. shinare ko lang ang aking mga experience. haha! :)